Sunday, May 23, 2010
Mga Inosenteng titig, malayo ang mararating
Ang mga inosenteng mga tingin ng mga batang ito ay ang magsisilbing daan sa kanilang mas malawak na kaalaman. Magtaka ka, usisiin mo, alamin mo, lahat tayo ay may pagkainosente sa ibang mga bagay. Lahat tayo ay inosente sa simula. Nagkataon lang na tayo ay naunang magtaka at magtanong.
(Mga batang Mangyan ng Sitio Sangilen, Oriental Mindoro.)
Baliktad man
Hindi nagkakaiba ang itsura ng mga batang mangyan sa mga bata na madalas nating makita sa kalsada na namamalimos dito sa siyudad. Ang tanging bagay na kanilang pinagkaiba ay ang pagkakaroon ng mga mangyan ng sariling sikap upang matutustusan ang kanilang mga pangangailangan at hindi ang pag-asa sa mga limos.
(Mga batang Mangyan ng Sitio Sangilen, Oriental Mindoro.)
Bagong tribo. Bagong simula.
Ilan sa mga batang mangyan na aming nakasama ng kami ay tumira ng anim na araw sa Sitio Sangilen, Oriental Mindoro. Lahat sila ay marunong magsalita ng Filipino. Ngunit bihira nila ito gamitin. Mas bihasa sila sa kanilang sariling dialekto. Sila ay palakaibigan at madaling pakisamahan.Madali makuha ang kanilang tiwala. Madali silang pangitiin. Balang araw, sila ang magtataguyod ng panibagong kabanata ng kanilang tribo.
(Mga batang Mangyan ng Sitio Sangilen, Oriental Mindoro.)